Monday, June 07, 2004



Masarap pala ang chicken sandwich spread.

Mag aapat na araw na sa pridyider namin ang dalang pampalaman na ito ng kapatid ko. Di ako sigurado pero parang binigay sa kanya... tira noong nag birthday ang kasamahan nila sa trabaho sa clark ecozone. Sandamakmak ba namang manok ang binanlian, at siyempre kapares ang sandamakmak ding mayonnaise. Yun ang kwento ng kapatid ko. Pero minsan nag sisinungaling din iyan.

Di naman gawain ng kapatid ko, o sino man sa amin sa bahay ang mag uwi ng pagkain mula sa birthday, piyesta, o anumang okasyon na kelangan maghanda ng lomotyl, diatabs o anumang gamot panlaban sa diarrhea. Nasarapan siguro siya sa lasa.

Pagkatapos ng napakaiksing bakasyon, heto at namamalantsa na naman ako ng kulay luntian na uniporme, ang napagkasunduang kulay na isusuot sa trabaho tuwing lunes. ika-7 ng Hunyo bukas, aba at tingnan mo nga naman at kasabay pa ng pagbubukas namin ng klase ang pormal na pagtataas ng pamasahe. Limang piso na sa dyip ang dating apat at 72 na sa bus papuntang maynila, dati'y 60 lang. Kung ganito kabilis ang pagtaas ng mga bilihin at pamasahe sa pilipinas, katawa-tawa siguro ang sulatin kong ito kung babasahin ito sampung taon mula ngayon. Marahil ay singkwenta pesos na ang pamasahe sa dyip sa panahong yon, mula sa kanto namin hanggang sa palengke na dati'y nilalakad lang namin.
Gustuhin ko mang lakarin ang palengke ay di ko na magagawa. Maga ang aking mga paa dahil sa magkapares na sapatos na balat. Lagi kong sinasabi sa sarili, 'mabuti nang magain ang paa, 'wag lang magka alipunga.'

Dali dali kong huhubarin ang mga sapin ko sa paa pagdating ko ng bahay, at ay anong sarap! Anung presko ng pakiramdam na parang mga kaluluwang nahugasan ang kasalanan!

Gawi ko ang magbukas ng pridyider at sa pagkakataong ito, ang matabang bote na may mala-pandikit na laman ang aking nasumpungan. Teka, naka on na ba ang telebisyon?

Masarap pala ang chicken sandwich spread.


chokang79
June 6, 2004

Sunday, June 06, 2004

COGITATION
060604

As the cold and darkness enfolds
I sit with the piercing wind
With arms embracing my knees
I feel the soft, white sand with my bare toes
Unable to reach the light and
Warmth waiting for me over the sea.

In my solitude, I mull over
I know where I want and need to go
I stumble; rummage around for the path
‘Just how to get there?’ Is all I ask.
Bound by money
Bound by time
Bound by distance
But swathed in love.
When will He let me be with my true love?

POIGNANT PROMISES OF HEAVEN FOR THE SURVIVING
060604

From the heart comes the most dulcet air
From two spirits meld together, the subtle harmonies
But why do those, with all their senses,
Speak that it is love that tears them distant?
When it’s with ardor
That one can subsist the stormiest weather.

Scent’s summer and the birds were nesting
Our eyes met and saw his, gleaming
Heaven sat by my side, and him on the other
It’s the most sacred blessing
I could not help but be blissful and cry,
And utter
Don’t wake me up if I am dreaming

But I am awake
Where are the birds, the flowers and soft combing of the wind?
The ripples have vanished and I am in despondent state
My mind and heart had a covenant
Of not to cry, but alas
I feel the tears start to trickle
Faced the sky to stop the flowing and attempt to question God
But it’s his face; it is him that I saw
My heart skipping a beat
I tried to close my eyes
Hoping that the darkness will pacify
But once they had permitted to shut
He is all I witness,
And him alone, not with me, not.

Some people deem true in love at first sight,
Deceivingly right
Drifting on love's endless blissful flight,
Love is a turncoat, a curse,
Turning my weak soul into a soldier of might
A battle to call my own
Another endless, stabbing,
Many a solitary nocturne,
Many a shadowy night.